The Accounts

The Official Student Publication of University of the Philippines- College of Management, Iloilo City

Mabuhok na Kanto

ni Christian R. Duran

Sa isang kanto, isang matanda’y iika-ikang naglalakad
Nakangisi, sinusuklay ang makintab na buhok
Handang-handa nang umalis, dali-daling pumara ng jeep
Sa kanyang pagsakay, buhok ay nawala,
ang hangin ang tumangay.

Sa kanto ring iyon, isang ale ang aking namataan
Bihis na bihis, may akay na paslit
Handang-handa nang umalis, dali-daling pumara ng jeep
Sa kanyang pagwagayway, hindi namalayan,
buhok sa kanyang kilikili’y kumakaway.

Sa isang kanto, ako’y nakadukong naglalakad
Isang jeep biglang huminto, isang dilag ang bumaba.
Sa pagkamangha sa kanyang kagandahan,
siya’y aking nabangga
Ako’y humingi ng paumanhin,
ngunit ako’y hindi pinansin.

Sa kanto ring iyon kinabukasan ako’y bumalik
Paghinto ng jeep, ang binibini’y aking muling nakita
Sa pagbaba niya, panyo ay kanyang nabitawan
Sa kanyang dahan-dahang pagdampot, ako’y kinilabutan…
Mabuhok niyang dibdib aking nasilayan!

Filed under: Poetry

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Free Student Publication of a Free Student Body

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 4 other followers

August 2008
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
%d bloggers like this: